Survivor Philippines Season 3

Survivor Philippines: Season 3, Celebrity Edition - Pautakan! Pagalingan! Patatagan!

Richard Gutierrez to host Survivor Philippines season 3

March 24, 2010
Richard Gutierrez

With Paolo Bediones moving to TV5, the management has no choice but to get someone who has a top caliber like that of Paolo. There was a rumor that Ryan Agoncillo would leave Talentadong Pinoy to host for Survivor Philippines season 3 but after a short while another rumor ahs spread throughout the showbiz industry that it would be none other than the sexiest man on the Philippines today, Dingdong Dantes. Today, it is confirmed that Primetime King Richard Gutierrez would be the one who would do the hosting for the third season of the Pinoy franchise.

Everyone is quite aware of the hosting capabilities of Richard Gutierrez since he already done it on a series of earth friendly programs. He has proven that he has the making of a great host during these times. It is said that he would do this, before he will shoot for the 2nd part of Captain Barbell.

 

RELATED LINK:

Posted by survivorphilippines at 12:25 pm | permalink | comments[9]

EDSA - Ang huling habilin

March 4, 2010

Matapos ang muling pagdiriwang ng anibersaryo ng EDSA, marami sa ating mga kababayan ang napapailing…tila hinahanap sa kanilang sarili kung ano pa ang kabuluhan ng paggunita sa isang pahina ng ating kasaysayan na naganap 24 na taon na ang nakalipas.  Ano pa nga ba ng dapat ipagbunyi kung sa pananaw ng marami, wala na ang diwa ng EDSA?

 

Tiningala at hinangaan ang Pilipinas ng buong mundo. Bulaklak, rosaryo, panalangin,  awit at pagkakaisa ang siyang tanging naging sandata ng mga Pilipinong nagtipon-tipon sa kahabaan ng EDSA. Mayaman, mahirap, babae, lalaki, mangmang at edukado—pinagbuklod ng iisang mithiin—ang muling mapanumbalik ang tunay na diwa ng demokrasya sa Pilipinas. Handa ang bawat isang mamatay para sa bayan. “Sobra na! Tama na! Palitan na!” ang sigaw ng sambayanan.  At makalipas ang apat na araw, noong ika-25 ng Pebrero taong 1986, lumipad na paalis ng Pilipinas si Pangulong Marcos. Sa ating isipan, kasabay na lumisan ni Marcos ang lahat ng sakit ng lipunan—hudyat ng pagsisimula ng bagong yugto sa ating kasaysayan!

 

“Panahon na…ng pagkakaisa…Kapit-kamay, sa bagong pag-asa…” ang naging awit ng bayan sa ating mapayapang pakikibaka! Sa bawat pagkakataon,  buong puso at pagmamalaki nating sinasalaysay sa ating maliliit na anak at sa mga hindi pa isinisilang sa mga panahong iyon ang makasaysayang landas tungo sa EDSA, tangan ang pag-asang madama din nila ang nag-uumapaw na pagmamahal sa bayan.   Kakambal ng pagpupunyagi ang ating pangarap para sa susunod na salinlahi—- ang pamana ng isang Pilipinas na malinis, maunlad, payapa at makatarungan.

 

 Dalawampu’t apat na taon na ang lumipas, at isang henerasyon na ang nagdaan. Ang mga sanggol noon, ngayon ay malaki na, at nagtataguyod na ng kanilang sariling pamilya. Ilang Panguluhan na rin ang nagdaan—Corazon Aquino, Fidel Ramos, Joseph Ejercito, at ngayon nga—Gloria Arroyo.  Kung bakit sa mga sandaling ito,  kirot sa puso ang ating nadarama. Ang dating kislap sa ating mga mata, ngayon ay luha ng kalungkutan na ang mababanaag. Nasaan na ang Pilipinas na ipinaglaban sa EDSA? Nasaan ang diwa ng demokrasyang  pinunla,  at ang pagbabagong inaakalang  aanihin ng mga susunod na henerasyon?

 

Sa nagdaang panahon simula ng People Power Revolution ng 1986, ang dating matamis na bagong simula sa ilalim ng pamumuno ng namayapang Pangulong Corzaon Aquino ay nabahiran na ng pait ng kasalukuyang lipunan. Pang-aabuso sa kapangyarihan, pagkamkam sa kaban ng bayan, marangya at magarbong pamumuhay ng mga namumuno mismo habang patuloy na naghihirap ang taumbayan, kagimbal-gimbal na balita ng patayan at masaker para mapanatili sa poder ang mga nanunungkulang kapit-tuko sa kanilang posisyon, pang-aabuso sa mga karapatang pangtao—-ano pa ba ang nagbago sa lipunang Pilipino?

 

Noong nagdaang anibersaryo ng EDSA Revolution, sinabi ni Bongbong Marcos, anak ng pinatalsik nating diktador na si Ferdinand Marcos, kasalukuyang tumatakbo sa pagka-Senador at kaalyado ni Manny Villar, “People Power is a failure”. Bigo at talunan daw ang People Power. Maging si Presidente Arroyo, buong tapang na ipinahayag sa kanyang talumpati na  ang People Power daw ay dahilan ng pagkakawatak-watak ngayon ng mga Pilipino. May hatid bang hapdi at sakit ang mga salitang ito sa katotohanan ng ating bayan?

 

Higit na madaling ibato ang sisi sa mga opisyal ng bayan sa kinasasapitan ng ating bansa. Sila ang hinalal, pinagkatiwalaan ng mamamayang Pilipino upang bigyan ng solusyon ang mga suliranin ng bayan, hindi ba? Kung nawawala na ang diwa ng EDSA, ito ay dahil sa binigo nila ang tiwala ng sambayanan. Sila ang dahilan kung bakit tayo nagkakawatak-watak, kung bakit naghihikahos ang Pilipinas, kung bakit hindi natutupad ang pangako ng People Power! Subalit marahil, nararapat ding itanong natin sa ating sarili— ano ba ang pinupunla nating mga mamamayan sa ating pangaraw-araw na buhay na nagpapalala sa kanser ng lipunan?

 

 Sa mga pagkakataong pinaiiral natin ang ating pagiging pasaway, sa mga sandaling nilalabag natin ang batas at iniisip na “exempted” tayo sa pagsunod sa mga ito, nilalapastangan natin ang diwa ng EDSA. Sa lahat ng pandaraya at pagpapalusot na ginagawa natin, makaiwas lamang sa pagbabayad ng buwis habang hinihintay nating pupunuan ng gobyerno ang lahat ng ating mga pangangailangan… Sa mga sandaling sinusuhulan natin ang mga nasa katungkulan upang magkaroon tayo ng pabuya, o malaking kontrata na ikasasama naman ng bayan, o kung gusto nating makaiwas sa parusa sa mga kasalanang ginawa natin sa lipunan,  hindi natin pinahahalagahan ang diwa ng People Power.

 

Ikinakatwa natin ang kinabukasang pinangarap at ipinangako natin sa ating mga anak  sa mga sandaling inaabuso at binababoy natin ang ating kapaligiran. Kapag pinaiiral natin ang ating “Filipino time” —laging huli, laging may dahilan…Tuwing ipinagpapaliban natin sa ibang araw ang ano mang magagawa natin ngayon o yung manana habit nating mga Pilipino…Sa mga pagkakataong lumiliban tayo sa trabaho para lamang sa “good time” o kung hindi natin binibigay ng buong buo ang ating sarili sa ating gawain at hanapbuhay habang inaasahan nating uunlad ang ating bansa, ipinagkakanlulo natin ang mga ipinaglaban natin sa EDSA

 

Hinahamak  natin ang diwa ng EDSA sa tuwing higit nating pinahahalagahan ang mga chismis at iskandalo tungkol sa mga artista at sa ating mga kapitbahay kaysa alamin ang mga isyu ng lipunan upang makagawa tayo ng matalinong disisyon sa ating buhay. Sinisikil natin ang People Power sa  mga pagkakataong  hindi natin kinikilala ng mabuti ang mga kandidato sa eleksyon, bagkus ay pinipili na lamang kung sino ang sikat, kung sino ang iniindorso ng mga artista, kung sino ang makapagbibigay sa atin ng pabuya at biyaya sa panandaliang panahon. Hindi natin iniisip na sa ginagawa nating ito, ay isinasanla na natin ang ating kaluluwa sa impyerno dahil pagbabayaran natin ng malaki  ang bagay na ito.

 

 At sa  sandaling piliin nating manatili na lang sa bahay, gumimik, huwag bumoto dahil tinatamad tayo o sa ano pa mang dahilan— pinapatay natin ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan na nagtulak sa atin sa EDSA. Ang paghuhugas kamay sa ating sariling mga pagkukulang at pagpapabaya sa kung ano ang maaari nating ibigay sa bayan ay isang pagtataksil sa simulain na nagsilbing inspirasyon sa mga bayani ng ating bansang Pilipinas bago pa ang People Power Revolution, na walang pag-iimbot na nagbuwis ng buhay upang matamasa natin  ang tamis ng kasarinlan at kalayaan.

 

Ang lahat ng mga suliranin ng ating lipunan ay babalik at babalik din kahit ilang eleksyon pa ang idaos, kahit sino pa ang ihalal kung gobyerno lamang ang inaasahan nating magbabago. “History repeats itself” ika nga sa Ingles. Patuloy tayong hahabulin ng  anino ng ating nakaraan, hanggang hindi tayo natututo sa aral na dulot ng kasaysayan.

 

Hindi kailangang mamatay ang diwa ng EDSA—ang diwa ng pagkakaisa ng sambayanang Pilipino sa pagmamahal at pagkalinga sa katotohanan, sa katarungan, sa kalayaan, at sa isa’t isa. Sa kasaysayan ng ating bayan, napatunayan nating kaya nating lagpasan ang ano mang pagsubok na dumating sa ating buhay. Panatilihin nating buhay ang mensahe ng People Power, hindi lamang sa pagpapatalsik sa diktadura, di lamang tuwing eleksyon, di lamang kapag may mga kalamidad katulad ng baha at lindol…Buhayin natin ang diwa ng EDSA sa ating pang-araw araw na buhay…at hayaan nating patuloy itong maglagablab  sa puso ng ating mga anak at ng susunod pang mga salinlahi— sa pamamagitan ng ating sariling halimbawa. Nasa ating mga kamay ang kakayahang baguhin ang ating kasaysayan!

 

Mabuhay ang mga Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas!

 


SUGGESTED READINGS

Posted by survivorphilippines at 8:19 am | permalink | Add comment

     

March 2010
M T W T F S S
« Nov    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

About Survivor Phil.

Survivor Philippines premiers on September 15 at 9:15 p.m. with a power-packed episode you'll never forget.

After more than a year of planning and production, the Survivor Philippines team has produced a word-class reality series that lives up to the high standards of Castaway Television Productions, the owners of Survivor.

The making of a world - class reality series

After countless meetings, consultations and brainstorming sessions, Survivor Philippines held nationwide auditions attended by more than 43,000 Survivor fans and aspiring castaways.

To give more Filipinos a chance to be part of this groundbreaking reality series, GMA chose 18 instead of 16 contenders to be part of Survivor. The contestants underwent a rigorous screening process to make sure that each one is up to the  life-changing challenge that awaits them.

As for the Filipino counterpart of Jeff Probst, there was only one choice on who will host Survivor Philippines: reality TV guru Paolo Bediones.

With 18 castaways and 120 production staff in tow, the Survivor Philippines team flew to Koh Tarutao island in Thailand to embark on their biggest challenge yet.

The perils of island life

Staying for more than 39 days in a place called the Devil's Island cannot be easy.

Both the castaways and the production team had to deal with elements both seen and unseen whether on land or at sea.

Whenever there was a challenge at sea, everyone had to beware of lurking manta rays, sharks and sea urchins.

Everyday there would be stories of wild animal encounters that can send even the most brave man running.

Snakes, crocodiles, scorpions, tarantulas and wild boars were just some of the few animals that lurk in the island ready to strike at the unguarded tribe member at the most opportune time.

Then there were the ghost sightings, spirits of the ancient island inhabitants who visit the tribes at night.

Despite the daily threats, the show went on in the island.

The real test of human nature

Living in an island deprived of basic necessities while competing for the chance to win three million pesos can really bring out the best and the worst of human nature.

Some castaways proved to be ruthless villains who would do anything and everything to beat his opponents.

Still others proved to be remarkable heroes who cared more about saving people's lives than winning the game.

There were numerous faces of deceit, hate and defeat as well as truth, love and triumph.

This promises to make Survivor Philippines a must - see with various twists and turns that will keep you at the edge of your seat long after the closing credits.

Recent Photo

Latest Comments

Message Board

joel:

Hindi ko maintindihan f kung ano ang mga sinasabi nila, nagu2luhan ako kaya ewan,ewan lang ang masasabi ko, kayo? ano sa palagay ninyo…….naintindihan nyo ba?

LoveIll:

Hello!!

Grace:

thanks for visiting my site

Grace:

thanks for visiting my site.

marlon:

forgive me, im sorry philippines, i want to be come close to everyone, im sorry, just keep in touch, 09175256138

xyril:

cnu ang na out now sa survivor?c marlon bah?plz repz.tenchu

elektra:

ang masasabi ko lang si Kaye plastic at TAYDOR! Si Cris naman WALANG Palabra DE Honor! para syang di lang naisama sa inuman nagtampo na! Mga walang kwentang tao yang dalawa na yan!!!

elektra:

si marlon super KUPAL! ugaling skwater! dapat hindi yan sinama sa selection. Kay Kaya at Cris ayaw daw magpaikta e dikta rin naman ni marlon ang sinunod nila mga tanga!

anew:

Ang masasabi ko lang eh kung sino ang nararapat na manalo ay siyang tatanghaling survivor talaga. Anyway, yung mga di kanais-nais na ugali ay lumalabas talaga yan pag pera na ang pina-uusapan kasi nga saan nga ba galing ang pag-aaweay ng tao kundi dahil sa pera. May the best survivor survive!!!!!Goodluck to all of you guys!!!!

anew:

Anyway its all part of the game kaya yung mga ugaling di kanais-nais eh lumalabas para at least makita na rin ng sambayanang Pilipino kung sino talaga ang nararapat na manalo. Goodluck to you guys! May the best survivor survive!!!!!!!!

gervie:

hoy marlon ng surbaboy(vivor) pla wla k krapatng mginh sole survivor dhil kupal ka tandaan mo yan ha!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

gervie:

sna next tribal council c marlon n ang ma vote out para wla ng mang demonyo s mga natitira hanggat nandyan c kupal na marlon mgiging impyerno ang competition s survivor

gervie:

kainis tlaga yang c marlon sna nung first day p lang nung survivor nalunod n xa para wlang demon s survivor maalala ko lang mukha nya sumasama n ang araw ko kainiz

gervie:

kakainiz tlga yang c marlon akala mo kung cnong magaling baboy naman sna nung first day na survivor nalunod n yan eh para wlang maepal s survivor nkakainis makta ko lang mukha nya sumasama n ang araw ko

glenmar:

marlon, wag kang dadayo ng smfairview, hayup ka!baka mapatay kita, ikaw ang dahilan kung bakit na vote out si kiko…

glenmar:

lam nyo yang si marlon ng survivor ph. ay mukhang assest or ‘talent’ ng gma7 para manggulo sa 17 castaways… di nakapagtataka, obviuos naman eh…

cherz:

grabe,,walang kasing sma c marlon,,i really hate him..demons tlaga yun,,patulan daw ang matanda..dapat ivote out na sya,,para mas ok ang lbanan sa natitirang cast away…anyway .galingan mo MOMMY ZITA AND JC.

pebols:

kakainis talaga si marlon, laro lang daw pero un ang tunay na ugali nyang babuy na yan, malunaod sana yaN on kainin ng pating. devil talaga

onil:

badtrip na marlon, makarma ka din. demon. lang kang kwenta.

firebolt:

langya talaga tong boybab na marlon!!! dinimonyo na nga ang utak nina kaye at chris para tanggalin c kiko, inaway-away pa c mami zita! hoy marlon, para kang walang nanay! kahit kakompetisyun mo c mami zita, malaki pa rin agwat ng edad nyo! galangin at respetuhin mo xa bilang tao na naunang pinanganak sa yo! cguro sa inyo wala kang galang sa nakakatanda syo… pwes, wag mo namang ipangalandakang wala kang modo… i’m sure kung nakasama ka sa final 2, walang boboto sayo ni isa… ur the worst of them all! sana pagkatapos ng survivor wala kukuhang artista syo, bruho! sana mag-kaisa lahat ng waiter sa pilipinas at i-ban ka sa lahat ng resturant sa pilipinas, ungas!!!

Leave a message ▼

MyBlogLog

Sponsored Links